169 proyekto, nilagdaan sa Ika-6 na China-South Asia Expo: mahigit 400 bilyong yuan, inaasahang pamumuhunan

2022-11-21 16:21:32  CMG
Share with:


Ginanap Linggo, Nobyembre 20, 2022 sa Kunming, Lalawigang Yunnan ng Tsina ang seremonya ng paglagda sa mga proyekto ng kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Ika-6 na China-South Asia Expo at Ika-26 na China Kunming Import and Export Fair.

 

Kabilang sa mga ito ang 169 na proyekto ng pamumuhunan, na may inaasahang halaga na mahigit 400 bilyong yuan RMB.

 

Ang mga nalagdaang proyekto ay nasa mga larangang kinabibilangan ng berdeng enerhiya, modernong pestisidyong magagamit sa mga talampas, kultura, turismo, industriya ng modernong pagyari, bagong materyales, biomedisina, at iba pa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio