Operasyon ng relaying protection system na sariling sinaliksik at yari ng Tsina, sinimulan

2022-11-24 15:50:13  CMG
Share with:

Sinimulang isaoperasyon ngayong araw, Nobyembre 24, 2022 ang relaying protection system na sariling sinaliksik at yari ng kompanyang Tsino sa isang hydropower station sa Lancang River.

 

Ang relaying protection system ay mahalagang bahagi ng nukleong sistema ng pangangasiwa at pagkontrol ng hydropower station para maigarantiya ang matatag na pagtakbo ng generator set at power grid.

 

Noong dati, ang mga pangunahing piyesa ng nabanggit na sistema ay inaangkat pa mula sa ibang mga bansa.

 

Pero sa ngayon, maaari nang sarilinang idebelop at gawin ng Tsina ang kabuuang nukleong sistema ng pangangasiwa at pagkontrol ng hydropower station.


Salin:Ernest

Pulido: Rhio