Kabuuang halaga ng pandaigdigang kalakalan ng mga paninda at serbisyo ng Tsina, lumaki ng 5% noong Oktubre

2022-11-26 18:47:52  CMG
Share with:

Ayon sa estadistikang inilabas kahapon, Nobyembre 25, 2022, ng State Administration of Foreign Exchange, noong Oktubre, umabot sa mahigit 3.8 trilyong yuan RMB o halos 540 bilyong US Dollar ang kabuuang halaga ng pandaigdigang kalakalan ng mga paninda at serbisyo ng bansa, at lumaki ito ng 5% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.

 

Ayon pa rin sa estadistika, noong Oktubre, 1.92 trilyong yuan ang halaga ng pagluluwas ng Tsina ng mga paninda, at 1.51 trilyong yuan ang halaga ng pag-aangkat. Nagdulot ito ng 408.8 bilyong yuan na trade surplus.

 

Samantala, 180.6 bilyong yuan ang halaga ng pagluluwas ng mga serbisyo, at 237.3 bilyong yuan ang halaga ng pag-aangkat. Nagresulta ito ng 56.7 bilyong yuan na trade deficit.


Editor: Liu Kai