Guided-missile cruiser ng Amerika, itinaboy ng PLA mula sa rehiyong pandagat ng Nansha Islands

2022-11-29 16:34:35  CMG
Share with:

Ipinahayag, Nobyembre 29, 2022 ni Tian Junli, Tagapagsalita ng Southern Theater Command ng People's Liberation Army (PLA), na ilegal at walang pahintulot na pumasok nang araw ring iyon ang guided-missile cruiser ng Amerika na Chancellorsville sa rehiyong pandagat na malapit sa Nansha Islands ng Tsina.

 

Bilang responde, isinagawa ng PLA ang pagsubaybay at pagmamanman, at itinaboy ang nasabing barko de giyera, dagdag niya.

 

Aniya, ang naturang aksyon ng hukbong pandagat ng Amerika ay malubhang lumapastangan sa soberanya at seguridad ng Tsina, at isa pang ebidensya ng hegemonismo sa paglalayag, at militarisasyon ng South China Sea.

 

Ani Tian, may di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa Nansha Islands at rehiyong pandagat sa paligid, at pananatilihin ng Southern Theater Command ng PLA ang mataas na alerto, upang matatag na ipagtanggol ang soberanya’t seguridad ng bansa at kapayapaan at katatagan ng South China Sea.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio