Ulat hinggil sa karapatang-pantao ng Tsina, isinapubliko ng dalawang think tank

2022-12-05 16:38:38  CMG
Share with:

Magkasanib na isinapubliko ngayong araw, Disyembre 5, 2022 ng China Foundation for Human Rights Development at New China Research ng Xinhua News Agency, dalawang think tank ng Tsina, ang ulat na pinamagatang “For a Life of Contentment – The Rationale for China's Human Rights Development.”

 

Anito, ang mga mamamayan ang nukleong pokus ng Tsina sa usapin ng karapatang-pantao, at buong sikap na pinabubuti ng bansa ang pamumuhay ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pag-unlad.

 

Ayon pa rito, ang paniniwala ng Tsina sa karapatang-pantao ay binubuo ayon sa sarili at aktuwal na kalagayan, at bumubuti at yumayaman ang paniniwalang ito sa pamamagitan ng mga praktika.

 

Dagdag ng ulat, naninindigan ang Tsina sa pagsasagawa ng pagpapalitan at pag-aaral sa isa’t-isa sa pagitan ng iba’t-ibang sibilisasyon, upang malutas ang isyu ng "governance deficit" sa karapatang-pantao; pagpapasulong sa mas makatarungang pandaigdigang pangangasiwa sa karapatang-pantao, at pagpapalakas ng mas makatuwiran at mas maraming pagbabahaginan. 



Salin:Ernest 

Pulido:Rhio