Sistematikong pangangalaga sa intangible na pamanang pangkultura ng Tsina, hiniling ni Xi Jinping

2022-12-12 15:55:22  CMG
Share with:

 

Hiniling kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kailangang mataimtim na isakatuparan ang sistematikong pangangalaga sa mga intangible na pamanang pangkultura para matugunan ang pangangailangang pangkultura ng mga mamamayang Tsino.

 

Ang pahayag ni Xi ay bilang tugon sa pagkakalakip sa tradisyonal na teknika sa pagpoproseso ng tsaa at mga may-kinalamang kaugalian ng Tsina sa Representatibong Listahan ng Intangible Cultural Heritage of Humanity ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) noong nagdaang Nobyembre 29, 2022.

 

Dagdag ni Xi, ito’y makakatulong sa pagpapalaganap ng kultura ng tsaa ng Tsina.