Bagong lakas sa kooperasyon ng Belt and Road, isinusulong ng Tsina’t Hungary

2022-12-14 15:36:28  CMG
Share with:

Sa video meeting Martes, Disyembre 13, 2022 nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado’t Ministrong Panlabas ng Tsina, at Peter Szijjarto, Ministrong Panlabas ng Hungary, isang kasunduan sa pagtatatag ng inter-governmental Belt and Road cooperation committee ang nilagdaan ng dalawang bansa.

 


Ipinahayag ni Wang na ang Hungary ay ang unang bansang Europeo na lumagda sa kasunduan ng kooperasyon ng Belt and Road sa Tsina.

 

Ang naturang kasunduan ay magtatayo aniya ng bagong plataporma at magkakaloob ng bagong puwersa sa de-kalidad na konstruksyon ng Belt and Road ng dalawang bansa.

 

Sinabi naman ni Szijjarto na lubos na pinahalagahan ng Hungary ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina at hinahangaan ng kanyang bansa ang malakas na suporta ng Tsina sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Hungary nitong mga nakaraang taon.