Jetliner na gawa ng Tsina, pumasok sa dayuhang merkado

2022-12-19 16:37:12  CMG
Share with:



Disyembre 18, 2022 – Sa kauna-unahang pagkakataon, inihatid sa unang kliyente sa ibayong-dagat – TransNusa ng Indonesya, ang ARJ21,  rehiyonal na jetliner na sariling dinebelop ng Tsina.

 

Ito ay hudyat ng pagpasok ng nasabing Chinese passenger jetliner sa dayuhang merkado.

 

Ayon sa Commercial Aircraft Corporation of China, Ltd. (COMAC), mayroong 95 upuan ang naturang eroplano, at ito ay pinturado ng kulay  asul, dilaw, at berde sa labas.

 

Bukod diyan, kaya nitong maabot ang layong hanggang 3,700 kilometro, at maaaring lumipad sa mga rehiyon ng alpine at talampas, at makaka-angkop sa iba't-ibang kondisyon ng mga paliparan.

 

Hanggang sa kasalukuyan, mayroon nang mga 100 ARJ21 ang naihatid sa mga kliyente, at tumatakbo sa higit 300 linyang panghimpapawid patungo sa mahigit 100 lunsod, at nagdadala ng mahigit 5.6 milyong pasehero, dagdag ng COMAC.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio