Text negotiations tungkol sa IFD, natapos ng mga miyembro ng WTO

2022-12-19 16:04:26  CMG
Share with:

 

Genava - Substansiyal na natapos Disyembre 16 (local time), 2022 ng mga miyembro ng World Trade Organization (WTO) ang negosasyon ng teksto tungkol sa Investment Facilitation for Development (IFD).

 

Ang IFD ay unang tema ng negosasyong itinakda at aktibong isinulong ng Tsina sa WTO. Layon nitong itatag ang regulasyong pandaigdig, pataasin ang liwanag ng mga polisyang pampamumuhunan sa buong mundo, padaliin at pabilisin ang prosesong administratibo sa pamumuhunan, at pasulungin ang pandaigdigang kooperasyon.

 

Mahigit 110 kasapi ng WTO ang lumagda at dumalo sa negosasyong ito.

 

Ipinahayag ni Li Chenggang, pirmihang kinatawang Tsino sa WTO, na bunga ng substansiyal na pagtatapos ng text negotiations sa IFD, napakalapit nang matapos ng iba’t-ibang panig ang unang negosasyong pampamumuhunan sa saklaw ng WTO at buong daigdig.

 

Ipinakikita niya nitong kaya matamo ng WTO ang konkretong bungang pangnegosasyon sa temang may mahalagang katuturan sa larangang pangnegosyo.

 

 

Noong Abril ng 2017, inilunsad ng Tsina, kasama ang ilang umuunlad na kasaping bansa at pinaka-di-maunlad na kasaping bansa ng WTO ang di-pormal na diyalogo tungkol sa pagpapadali ng pamumuhunan tungo sa kaunlaran.

 

Sa kasalukuyan, nagsisilbing magkasanib na koordinador sa inisyatibang ito sina Sofia Boza, pirmihang kinatawan ng Chile sa WTO, at Jung Sung Park, pangalawang pirmihang kinatawan ng Timog Korea sa WTO.

 

Matapos ang pulong sa text negotiations sa IFD, sinabi ni Boza na mabunga ang nagawang pagsisikap ng Tsina sa negosyasyon. Ginagampanan aniya ng Tsina ang masusing papel sa pagpapasulong ng pasilitasyon ng pamumuhunan.

 

 

Sinabi naman ni Jung Sung Park na bilang puno ng WTO group "Friends of Investment Facilitation for Development," napakahalaga ng papel ng Tsina sa negosasyon.

 

Dahil sa Tsina, lumahok ang maraming umuunlad na bansa sa negosasyon sa IFD, dagdag pa niya.


Editor: Lito