Mga lider ng Tsina at Rusya, nagpalitan ng bating pambagong taon

2022-12-31 20:39:16  CMG
Share with:

Ipinadala ngayong araw, Disyembre 31, 2022, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang mensahe isa’t isa bilang pagbati para sa bagong taon.

 

Sinabi ni Xi, na sa taong ito, nananatiling malusog ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Ruso, at natamo ng dalawang bansa ang mga bagong bunga sa kanilang kooperasyon sa iba’t ibang aspekto.

 

Umaasa aniya siyang sa bagong taon, lalalim pa ang estratehikong koordinasyon at pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Rusya, para magdulot ng benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.

 

Ipinahayag naman ni Putin, na sa taong 2022, lumakas pa ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Rusya at Tsina, at sumagana ang kanilang kooperasyon.

 

Nananalig aniya siyang, sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap, makakataas sa bagong lebel ang kooperasyong Ruso-Sino.


Editor: Liu Kai