Pangulong Tsino at Uzbek, nagpalitan ng pagbati kaugnay ng ika-30 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa

2022-01-02 14:39:12  CMG
Share with:

Ipinadala Linggo, Enero 2, 2022 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Shavkat Mirziyoyev ng Uzbekistan ang mensaheng pambati sa isa’t-isa bilang pagdiriwang sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

Tinukoy ni Xi na nitong 30 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, walang patid na sumusulong ang relasyong Sino-Uzbek, at naitayo ang modelo ng relasyong pandaigdig na may maharmoniyang pakikipamuhayan at kooperasyon tungo sa win-win na resulta.

Diin ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pagpapaunlad ng relasyon sa Uzbekistan.

Nakahanda aniya siyang magsikap kasama ni Pangulong Shavkat Mirziyoyev upang mapasulong ang bilateral na komprehensibo’t estratehikong partnership at makapagbigay ng mas malaking benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang panig.

Ipinahayag naman ni Shavkat Mirziyoyev na nitong mga taong nakalipas, napakabilis na umuunlad ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa, maalwang sumusulong ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, at walang humpay na lumalakas ang pagpapalitang pangkultura ng dalawang bansa.

Nakahanda aniya ang Uzbekistan na magsikap kasama ng Tsina upang mapalalim ang kooperasyon sa magkasamang konstruksyon ng “Belt and Road.”


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method