Mga pangulong Tsino at Tajik, nagpalitan ng mensaheng pambati sa ika-30 anibersaryo ng relasyong diplomatiko

2022-01-04 18:06:47  CMG
Share with:

Nagpalitan ng mensahe ngayong araw, Enero 4, 2022 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Emomali Rahmon ng Tajikistan, bilang pagbati sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
 

Diin ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyong Sino-Tajik, at nakahandang magsikap, kasama ni Pangulong Rahmon, para mapasulong ang pagtamo ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa ng mga bagong bunga, buuin ang mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Tajikistan, at ihatid ang benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.

Mga pangulong Tsino at Tajik, nagpalitan ng mensaheng pambati sa ika-30 anibersaryo ng relasyong diplomatiko_fororder_20220104TsinaTajikistan

Saad naman ng pangulong Tajik, ikinasisiya niya ang kasalukuyang kalagayan ng pag-unlad ng bilateral na relasyon sa Tsina.
 

Nananalig aniya siyang aabante ang relasyong ito tungo sa mas pangmalayuang kinabukasan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method