Pasipiko, dapat maging karagatan ng kayapaan at hindi malakas na mapanirang alon —— Tsina

2022-01-06 16:17:35  CMG
Share with:

Sa isang summit ng mga lider na idinaos gamit ang video, Enero 6, 2022, nilagdaan ng Australia at Hapon ang kasunduan para lalo pang palakasin ang kooperasyon sa larangan ng tanggulang bansa at kaligtasan.

 

Nauna rito, ipinahayag Enero 5, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang kapayapaan at kaligtasan ng rehiyong Pasipiko ay depende sa magkakasamang pangangalaga ng mga bansa sa rehiyon.  

Pasipiko, dapat maging karagatan ng kayapaan at hindi malakas na mapanirang alon —— Tsina_fororder_01wangwenbin

Umaasa ang Tsina na ang Karagatang Pasipiko ay magiging dagat ng kapayapaan, sa halip na mapangwasak na malakas na alon, ani Wang.

 

Aniya pa, sa mula’t mula pa’y, ipinalalagay ng Tsina na ang komunikasyon at kooperasyon sa pagitan ng iba’t-ibang bansa ay dapat makatulong sa pagpapabuti ng pagkaunawa at pagtitiwalaan ng mga bansa, at pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

 

Hindi aniya ito dapat nakatutok sa ikatlong panig, o nakakasira sa kapakanan ng ikatlong panig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method