Pagtaya ng WB sa kabuhayang pandaigdig, pinababa sa 4.1%

2022-01-12 16:22:49  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling ulat na “Global Economic Prospects” na ipinalabas Enero 11, 2022 ng World Bank (WB), tinaya sa 5.5% ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig noong 2021, pero para sa 2022, ito ay inilagay sa 4.1% lamang.

 

Tinukoy ng ulat, na kinakaharap ng kabuhayang pandaigdig ang maraming panganib ng pagbaba.

 

Kaugnay nito, nanawagan ang WB na palakasin ng iba’t-ibang ekonomiya ng buong mundo ang kooperasyon, para pasulungin ang berde, pleksible at inklusibong pag-unlad.

 

Ipinahayag ni David Malpass, Puno ng WB, na kauna-unahan sa kasaysayan ang kasalukuyang di-pagkabalanse ng makro ekonomiya ng buong dagidig.

 

Nanawagan siya sa komunidad ng daigdig na pabutihin ang koordinasyon at reaksyon sa antas ng bansa, para isakatuparan ang mainam na pag-usbong ng iba’t-ibang ekonomiya ng buong mundo.

Pagtaya ng WB sa kabuhayang pandaigdig, pinababa sa 4.1%_fororder_03wb

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method