Kooperasyon, magkasamang palalakasin ng Tsina at Indonesya: ambag, ibibigay para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig

2022-01-12 16:21:33  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono Enero 11, 2022, kay Joko Widodo, Pangulo ng Indonesya, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa harap ng pagbabago ng kalagayan ng daigdig at pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), dapat magsikap ang Tsina at Indonesya para magkasamang itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran.

Kooperasyon, magkasamang palalakasin ng Tsina at Indonesya: ambag, ibibigay para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig_fororder_02pangulongxi

Lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang papel ng Indonesya sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, ani Xi.

 

Nakahanda aniyang magsikap ang Tsina, kasama ng Indonesya, para isakatuparan ang komong palagay na narating ng dalawang bansa sa Espesyal na Summit bilang Paggunita sa Ika-30 Anibersaryo ng Relasyong Pandiyalogo ng Tsina at ASEAN, pasulungin ang pagbangon ng kabuhayang panrehiyon, at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito. .

 

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng dalawang bansa, pagsisikapan ng Tsinang isagawa ang tunay na multilateralismo, aktibong isakatuparan ang Global Development Initiative, pangalagaan ang kapakanan ng mga umuunlad na bansa at mga bansang itinuturing na bagong pamilihan, at ibigay ang ambag para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, sabi ni Xi.

 

Samantala, ipinahayag ni Pangulong Widodo na nakahandang magsikap ang Indonesya, kasama ng Tsina, para palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa kabuhayan at kalakalan, paglaban sa COVID-19 at iba pang larangan.

 

Bilang tagapangulong bansa ng G20 sa taong ito, mahigpit aniyang makikipagkoordina ang Indonesya sa Tsina, para sumulong ang G20 tungo sa pagganap ng positibong papel sa pagpapalakas ng pagkakaisa ng komunidad ng daigdig at pagbangon ng kabuhayan ng buong mundo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method