Halagang pangkalakalan ng Tsina at 5 bansang Gitnang Asyano, lumaki ng mahigit 100 ulit nitong 30 taong nakalipas

2022-01-18 11:34:54  CMG
Share with:

Halagang pangkalakalan ng Tsina at 5 bansang Gitnang Asyano, lumaki ng mahigit 100 ulit nitong 30 taong nakalipas_fororder_20220118komersyo

Ang kasalukuyang taon ay ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at 5 bansang Gitnang Asyano (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Uzbekistan at Turkmenistan). Sa pamamagitan ng video link, idinaos nitong Lunes, Enero 17, 2022 ang Porum ng Kooperasyong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Gitnang Asya.

Sinabi sa porum ni Wang Wentao, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na nitong 30 taong nakalipas, lumaki ng mahigit 100 ulit ang halagang pangkalakalan sa pagitan ng Tsina at 5 bansang Gitnang Asyano.

Bukod pa riyan, lumampas sa US$14 bilyon ang direktang pamumuhunan ng Tsina sa nasabing mga bansa.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method