Kaugnay ng ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Belarus, nagpalitan ngayong araw, Enero 20, 2022 ng mensaheng pambati ang mga pangulo na sina Xi Jinping ng Tsina at Alexander Lukashenko ng Belarus.
Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na 30 taon, itinatag ng Tsina at Belarus ang komprehensibo’t estratehikong partnership na may pagtitiwalaan, pagtutulungan at win-win situation.
Diin ni Xi, napapanatili niya, kasama ni Pangulong Lukashenko, ang pag-uugnayan sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan, at narating ang mahahalagang komong palagay ukol sa pagpapaunlad ng relasyong Sino-Belarusian sa ilalim ng bagong kalagayan.
Lubos na pinahahalagahan ni Xi ang pag-unlad ng nasabing bilateral na relasyon, at nakahandang siyang magpunyagi, kasama ni Lukashenko, para mapasulong ang pagtatamo ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa at kooperasyon ng Belt and Road Initiative ng mas maraming bunga.
Ito aniya ay maghahatid ng benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
Saad naman ni Lukashenko, nananalig siyang ipapamana ng mga mamamayan ng kapuwa panig ang diwa ng katapatan, pagkakaibigan, at pagkatigan sa hene-henerasyon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio