Aktuwal na dayuhang direktang puhunang pumasok sa Tsina sa 2021, lumikha ng bagong rekord

2022-01-26 16:17:41  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling estadistika ng Ministri ng Komersyo ng Tsina,mabilis na lumaki ang aktuwal na dayuhang direktang puhunan o foreign direct investment na pumasok sa bansa noong 2021.

 

Sa kauna-unahang pagkakataon, umakyat anito sa 1.1 trilyong Yuan RMB ang pumasok na puhunang dayuhan sa Tsina sa buong 2021.

 

Dagdag pa ng ministri, umabot din sa 48 libo ang bilang ng bagong naitayong kompanya mula sa puhunang dayuhan.

 

Ito ay lumaki ng 23.5%, paliwanag ng nasabing kagawaran.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Enero 25, 2022 ng kinauukulang opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na sa taong 2022, patuloy na palalawakin ng Tsina ang pagbubukas sa labas sa mataas na antas, lalo pang aakitin ang puhunang dayuhan, at lilikhain ang mas mabuting kapaligiran ng negosyo.

Aktuwal na pumasok na puhunang dayuhan sa Tsina sa 2021, lumikha ng bagong rekord_fororder_01kabuhayan

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method