Para sa katatagan ng Burkina Faso: Tsina, ipinanawagan ang paglutas ng pagkakaiba ng iba't-ibang paksyon

2022-01-26 17:35:02  CMG
Share with:

Kaugnay ng kudeta na naganap kamakailan sa Burkina Faso, ipinahayag Enero 25, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mahigpit na sinusubaybayan ng Tsina ang pagbabago ng kalagayan sa nasabing bansa.

Para sa katatagan ng Burkina Faso: Tsina, ipinanawagan ang paglutas ng pagkakaiba ng iba't-ibang paksyon_fororder_03zhaolijian

Ipinalabas na ng Embahadang Tsino sa Burkina Faso ang sulat sa mga mamamayang Tsino, at buong lakas aniyang papangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayang Tsino sa bansa.

 

Bukod dito, nananawagan aniya ang Tsina sa iba’t-ibang panig ng Burkina Faso na lutasin ang pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo, para mapabalik ang normal na kaayusan ng lipunan sa lalo madaling panahaon at mapangalagaan ang katatagan ng bansa at pagkakaisa ng iba’t-ibang nasyonalidad.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method