Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, nitong Enero 28, 2022, 64 ang bilang ng bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Sa mga ito, 25 ay galing sa labas ng bansa at 39 ay domestikong kaso.
Bukod dito, 3 ay bagong naitalang pinaghihinalaang kaso ng COVID-19, at sila ay galing sa labas ng bansa.
Samantala, 2,268 ang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 4,636 ang bilang ng mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido:Mac