Tsina at Mongolia, tutol sa pagsasapulitika ng Olimpiyada; kooperasyon ng kapuwa panig, palalakasin

2022-01-29 14:44:26  CMG
Share with:

Nag-usap sa telepono nitong Biyernes, Enero 28, 2022 sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Batmunkh Battsetseg, Ministrong Panlabas ng Mongolia.
 

Saad ni Wang, sa kanyang pakikipag-usap kay Battsetseg sa Tianjin noong isang taon, malalimang nagpalitan sila ng kuru-kuro, nagpahigpit ng pagtitiwalaan, at nagkaroon ng maraming komong palagay.
 

Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Mongolian, na tuluy-tuloy na patingkarin ang lakas-panulak para sa kooperasyon ng kapuwa panig, at pasulungin ang bilateral na relasyon sa bagong antas.
 

Ipinaabot naman ni Battsetseg sa panig Tsino ang pagbati sa Spring Festival ng Taon ng Tigre.
 

Binigyan ng lubos na pagtasa at sinusuportahan niya ang Global Development Initiative na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at umaasang mapapalawak ang kooperasyon sa Tsina sa mga larangang gaya ng kalakalang mineral, border ports, konektibidad, pinansya, pangangalaga sa kapaligiran at iba pa.
 

Kapuwa inihayag ng mga ministro ang pagtutol sa pagsasapulitika ng palakasan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method