Tsina at Mongolia, magkaibigang magkapit-bansa: bilateral na pag-uugnayan, isusulong

2022-02-07 17:57:46  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo Pebrero 6, 2022, dito sa Beijing, kay Luvsannamsrai Oyun-Erdene, Punong Ministro ng Mongolia, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na mabuti ang kooperasyon ng Tsina at Mongolia sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) nitong nakaraang dalawang taon, at naging mas malalim ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa dahil dito.

Tsina at Mongolia, magkaibigang magkapit-bansa: bilateral na pag-uugnayan, isusulong_fororder_01monggolia

Aniya, dapat igalang ng Tsina at Mongolia ang isa’t-isa, pahalagahan ang nukleong kapakanan ng dalawang bansa, at mahigpit na samantalahin ang tumpak na direksyon ng pag-unlad ng relasyon ng kapuwa panig.

 

Nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng Mongolia, para panatilihin ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa mataas na antas, at palakasin ang pagpapalitan sa iba’t-ibang larangan, saad ni Xi.

 

Binigyang-diin ni Xi na umaasa siyang mabuting maisasakatuparan ng Tsina at Mongolia ang magkasanib na pahayag ng mga pamahalaan ng dalawang bansa at pasulungin ang pagtatamo ng aktuwal na bunga.

 

Dapat aniyang paunlarin ng dalawang bansa ang tunay na multilateralismo sa daigdig, para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon, at katarunguan at katuwiran ng buong mundo.

 

Ipinahayag naman ni Luvsannamsrai Oyun-Erdene, na ang Mongolia at Tsina ay mabuting magkaibigan.

 

Aniya, ang malakas na pag-unlad ng Tsina ay nagdudulot ng lalo pang pagpapahalaga ng daigdig sa kulturang Asyano.

 

Nakahandang magsikap ang Mongolia, kasama ng Tsina, para palalimin ang kooperasyon, at pataasin ang bilateral na komprehensibo’t estratehikong partnership sa bagong lebel, saad niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method