Diwa ng Olimpiyada na “Together,” kinakailangan ng daigdig sa kasalukuyang panahon – Tsina

2022-02-07 18:00:19  CMG
Share with:

Isang magkasanib na liham ang ipinadala kamakailan sa mga lider-Tsino ng ilang dating opisyal ng iba’t-ibang bansa upang ipahayag ang kanilang pagbati sa matagumpay na pagdaraos ng Beijing 2022 Winter Olympic at Paralympic Games.

 

Ipinanawagan din nila sa mga pamahalaan, organisasyon at mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa ng daigdig, na sa patnubay ng diwa ng Olympiyadang “mas mabilis, mas mataas, mas malakas at mas may-pagkakaisa,” dapat magkakasamang magsikap ang iba’t-ibang bansa para likhain ang mas mabuting kinabukasan para sa buong sangkatauhan.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Pebrero 7, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos na pinapupurihan ng Tsina ang suporta at pagbati ng mga dating opisyal sa Beijing 2022 Winter Olympics.

Diwa ng Olimpiyada na “Together,” kinakailangan ng daigdig sa kasalukuyang panahon – Tsina_fororder_03zhaolijian

Ito’y lubos na nagpapakita ng malawak na suporta ng komunidad ng daigdig ang pagdaraos ng Olimpiyada, ani Zhao.

 

Sinabi rin niyang kinakailangan ng kasalukuyang panahon at daigdig ang diwa ng “mas may-pagkakaisa.”

 

Nananalig ang Tsina na ang Beijing 2022 Winter Olympics ay magiging plataporma ng kooperasyon ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa, lalo pang magpapalalim ng komunikasyon ng iba’t-ibang bansa, at magdudulot ng mas maraming kompiyansa para sa daigdig upang harapin ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method