Pagsuporta at pagsali ng iba’t-ibang panig sa Global Development Initiative, winewelkam ng panig Tsino

2022-02-08 12:01:17  CMG
Share with:

Sa kani-kanilang pakikipagtagpo sa mga lider Tsino sa panahon ng pagdalo sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing 2022 Olympic Winter Games, magkakasunod na inihayag ng mga dayuhang mataas na opisyal ang pagtanggap at pagsuporta sa Global Development Initiative na iniharap ng Tsina.
 

Kaugnay nito, sinabi kahapon, Pebrero 7, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na lubos na hinahangaan ng panig Tsino ang positibong pahayag ng mga lider ng kaukulang bansa at mga namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig tungkol sa nasabing inisyatiba.
 

Winewelkam aniya ng panig Tsino ang aktibong pagsuporta at pagsali rito ng lahat ng panig na nagnanais pabilisin ang pagpapatupad ng 2030 Agenda for Sustainable Development.
 

Diin ni Zhao, kasama ng iba’t-ibang panig, handa ang Tsina upang isulong  ang pagbibigay-pansin ng komunidad ng daigdig sa isyu ng kaunlaran at espesyal na kahirapan ng mga umuunlad na bansa, palalimin ang global development partnership, at gawin ang mas malaking ambag para sa pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng 2030 Agenda.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method