Ministri ng Komersyo ng Tsina: Umaasang agad na aalisin ng Amerika ang bagong taripa at ibang sangsyon

2022-02-11 15:54:26  CMG
Share with:

Ipinahayag Pebrero 10, 2022, ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na umaasa ang Tsina na agad na aalisin ng Amerika ang bagong taripa at ibang sangsyon, para lumikha ng mainam na kondisyon para sa pagpapalawak ng dalawang panig ng kalakalan at kooperasyon.

Ministri ng Komersyo ng Tsina: Umaasang agad na aalisin ng Amerika ang bagong taripa at ibang sangsyon_fororder_02gaofeng

Ani Gao, ang Kasunduan ng Tsina at Amerika sa Ekonomiya at Kalakalan sa unang yugto ay nakabuti sa dalawang bansa at buong daigdig. Sapul nang nagkabisa ang kasunduang ito, nagsisikap ang Tsina para pasulungin ang magkakasamang pagsasakatuparan ng dalawang bansa ng kasunduang ito. Sa kasalukuyan, napapanatili ng mga grupong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika ang normal na pagpapalitan.

 

Samantala, sinabi pa ni Gao na mataimtim na isinasakatuparan ng Tsina ang pangako nito sapul nang lumahok ang bansa sa World Trade Organization (WTO).

 

Bukod dito, ipinahayag din ni Gao na ang katotohanan noong nakaraang mahigit 40 taon ay lubos na nagpakita na ang tagumpay ng kabuhayang Tsino ay tagumpay ng patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas. Ito rin ang tagumpay ng magkakasamang  papel ng mekanismo ng pamilihan at pamahalaan.

 

Ang patakarang Tsino sa reporma at pagbubukas sa labas ay hindi lamang nagpasulong ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, kundi rin nagbigay ng ambag para sa kasaganaan ng kabuhayan ng buong daigdig, dagdag ni Gao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method