Serye ng mga aktibidad, itataguyod ng Tsina at Amerika bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng pagbisita ni Pangulong Nixon sa Tsina

2022-02-11 12:30:52  CMG
Share with:

Ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng pagbisita ni Pangulong Nixon sa Tsina at pagkalagda ng Shanghai Communiqué.
 

Kaugnay nito, isinalaysay Huwebes, Pebrero 10, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na itataguyod sa malapit na hinaharap ng panig Tsino’t Amerikano ang isang serye ng mga aktibidad bilang paggunita sa nasabing okasyon.
 

Tinukoy ni Zhao na ang Shanghai Communiqué ay unang magkasanib na komunikeng nilagdaan ng Tsina at Amerika. Tiniyak nito ang mga simulaing dapat sundin ng isa’t isa sa pagpapaunlad ng bilateral na relasyon, lalong lalo na, ang simulaing Isang Tsina ay nagsilbing pundasyong pulitikal ng normalisasyon at pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method