28, bagong domestikong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland

2022-02-13 13:38:33  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina nitong Pebrero 12, 2022, 67 ang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.

Sa mga ito, 39 ang galing sa labas ng bansa, at 28 ang domestiko.

Kabilang sa mga domestikong kaso, 13 ang naiulat sa Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa timog kanlurang Tsina, 11 sa lalawigang Liaoning sa hilagang silangang bansa, 2 sa probinsyang Yunnan, 1 sa Tianjin, at 1 sa probinsyang Guangdong.

Batay pa sa datos, 1,397 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland.

Samantala, 4,636 ang mga pumanaw.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method