Maligayang Pestibal ng Parol!

2022-02-15 16:06:11  CMG
Share with:

Maligayang Pestibal ng Parol!_fororder_VCG211265416528

 

Ngayong araw Pebrero 15, 2022 ay 元宵节(yuán xiāo jié) o Pestibal ng Parol ng Tsina.

 

Ipinagdiriwang ang kapistahang ito tuwing ika-15 araw ng unang buwan ng Tradisyunal na Kalendaryong Tsino.

 

Nagpapahiwatig din ito ng pagtatapos ng lahat ng selebrasyong may kaugnayan sa Bagong Taong Tsino o Pestibal ng Tagsibol ng mga mamamayang Tsino.

 

Kabilang sa mga kaugalian kapag Yuan Xiao Jie ay pagkain ng  bilu-bilong Yuan Xiao na gawa sa malagkit na bigas, panonood ng pagtatanghal ng samu’t saring Deng Long o parol, at pagsagot ng mga bugtong na kadalasang nakasulat sa mga pirasong papel na nakadikit sa parol.

 

 Maligayang Pestibal ng Parol!_fororder_吃元宵-无汉字

Maligayang Pestibal ng Parol!_fororder_赏花灯-无汉字

Maligayang Pestibal ng Parol!_fororder_猜灯谜-无汉字

 

 

 

Patnugot: Jade

Pulido: Mac 

Please select the login method