FM ng Tsina at Kalihim ng Estado ng Amerika, nagpalitan ng kuru-kuro kaugnay ng relasyon ng dalawang bansa

2022-02-22 16:24:14  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono Pebrero 22, 2022, kay Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyan, ang pinakamahalagang bagay sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Amerikano ay pagpapatupad ng komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa.

 

Aniya, batay sa 3 prinsipyo ng paggalang sa isa’t isa, mapayapang pakikipamuhayan, at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan na iniharap ni Pangulong Xi Jinping, nakahanda ang Tsina na magsikap, para mabisang makontrol ang pagkakaiba tungo sa pagpapatatag ng relasyong Sino-Amerikano.

 

Muli aniyang hinihimok ng Tsina ang Amerika na gawin ang mga aktuwal na aksyon, para ipatupad ang serye ng mga pangakong ginawa ni Pangulong Joe Biden.

 

Ipinahayag din ni Wang na paparating na ang ika-50 anibersaryo ng pagpapalabas ng “Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika,” at inaasahan ng Tsina na muling matatandaan ng Amerika ang inisyal na diwa ng "ice-breaking" ng dalawang bansa, at babalik ito sa makatuwirang pakikitungo sa Tsina.

 

Dagdag niya, ito ay para magkakasamang pasulungin ang tumpak na landas ng malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

 

Samantala, ipinahayag ni Blinken na tulad ng maraming beses nang ipinahayag ni Pangulong Biden, hindi nais ng Amerika na maglunsad ng bagong cold war, hindi nito babaguhin ang sistema ng Tsina, tinututulan ng Amerika ang “pagsasarili ng Taiwan” at wala itong intensyon na makipagdigma sa Tsina.

FM ng Tsina at Kalihim ng Estado ng Amerika, nagpalitan ng kuru-kuro kaugnay ng relasyon ng dalawang bansa_fororder_01zhongmei

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method