Beijing at IPC, optimistiko sa kagila-gilalas na pagdaraos ng Paralympiyada sa Taglamig

2022-02-28 16:22:49  CMG
Share with:

Sa pag-uusap sa pamamagitan ng video Pebrero 27, 2022, nina Andrew Parsons, Pangulo ng International Paralympic Committee (IPC), at Cai Qi, Beijing Organising Committee for the 2022 Olympic and Paralympic Winter Games, nagpasalamat si Cai sa suportang ibinibigay ni Parsons para sa Beijing 2022 Paralympic Winter Games.

 

Aniya, sa patnubay ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at pamahalaang Tsino, isinasagawa ang berde, pinagbabahaginan, bukas at malinis na ideya ng pagdaraos ng olympiyada at paralimpiyada.

 

Sa kasalukuyan, handa na aniya ang iba’t-ibang gawain para sa Beijing 2022 Paralympics.

 

Mahigpit din aniyang nakikipagkoodinasyon ang Beijing Organising Committee sa IPC para magkasamang maidaos ang simple, ligtas at kahanga-kangang Winter Paralympics.

 

Samantala, ipinahayag ni Parsons, na matagumpay ang Beijing 2022 Winter Olympic at lubos itong pinapurihan ng komunidad ng daigdig.

 

Dagdag pa niya, kitang-kitang mabisa at maalwan ang mga gawain ng paghahanda para sa Beijing 2022 Winter Paralympics.

 

Patuloy na susuportahan ng IPC ang Beijing Organising Committee para sa magkakasamang pagdaraos ng kagila-gilalas na Winter Paralympics, sabi niya.

Beijing at IPC, optimistiko sa kagila-gilalas na pagdaraos ng Paralympiyada sa Taglamig_fororder_02caiqi

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method