Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, nitong Marso 2, 2022, 214 ang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Sa mga ito, 160 ang galing sa labas ng bansa at 54 ay domestiko.
Bukod dito, 5 ang bagong pinaghihinalaang kaso na galing sa labas ng bansa.
Hanggang maghahati-gabi ng Marso 2, 2022, 3,094 ang umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland at 4,636 ang mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio