Kalakalang panlabas ng Tsina noong Enero at Pebrero, lumaki ng 13.3%

2022-03-07 15:44:54  CMG
Share with:

Kalakalang panlabas ng Tsina noong Enero at Pebrero, lumaki ng 13.3%_fororder_20220307tradechina

Ayon sa datos na inilabas Lunes, Marso 7, 2022 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, umabot sa 6.2 trilyong Yuan Renminbi (RMB) ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina nitong nagdaang Enero at Pebrero 2022.

Ang nasabing halaga ay lumaki ng 13.3% kumpara sa gayong ding panahon ng taong 2021.

Samantala, umakyat din sa 3.47 trilyong Yuan RMB ang pagluluwas ng Tsina sa parehong panahon, at ito’y lumaki ng 13.6% kumpara sa gayong ding panahon ng 2021.

Dagdag pa riyan, nakitaan din ng pag-akyat noong Enero at Pebrero 2022 ang pag-a-angkat ng bansa, sa halagang 2.73 trilyong Yuan RMB, na lumaki ng 12.9% kumpara sa gayong ding panahon ng 2021.

Sa kabilang dako, kapansin-pansin ang pag-angat ng kalakalang panlabas ng Tsina sa mga pangunahing trade partner na gaya ng Unyong Europeo, Association of Southeast Asian Nations, at Amerika.

Salin: Ernest

Pulido: Rhio

Please select the login method