Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, nitong Marso 7, 2022, 325 ang bilang ng bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Sa mga ito, 150 ay galing sa labas ng bansa at 175 ay domestikong kaso.
Bukod dito, 5 ang bilang ng bagong naitalang pinaghihinalaang kaso ng COVID-19 at ang mga ito ay galing sa labas ng bansa.
Samantala 4,052 ang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland at 4,636 ang bilang ng mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido:Mac