Pag-unlad ng usapin ng kababaihan, kailangang isulong ng komunidad ng daigdig — Tsina

2022-03-09 18:25:34  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati nitong Marso 8, 2022, sa Bukas na Debatehan ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa Kababaihan, Kapayapaan at Kaligtasan, ipinahayag ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, ang papuri ng kanyang bansa sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa pagpapasulong nito sa pulong na nagpokus sa isyu ng paglahok ng mga kababaihan sa kabuhayan.

 

Aniya, ang karapatan ng mga kababaihan sa kabuhayan ay mahalagang nilalaman ng Beijing Declaration and Platform for Action.

 

Ito rin aniya ay kahilingan para sa pagsasakatuparan ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng UN, at pundamental na garantiya para sa matatag at pangmalayuang pag-unlad ng Ahensiya ng Kababaihan, Kapayapaan at Kaligtasan.

 

Kaugnay nito, iniharap ni Zhang ang tatlong mungkahi:

 

Una, dapat dagdagan ang pamumuhunan upang paunlarin ang nasabing usapin; ikalawa, dapat itatag ang partnership ng iba’t-ibang bansa; ikatlo, dapat lubos na ganapin ng UN ang namumunong papel para palakasin ang paglahok ng mga kababaihan sa kabuhayan.  

Pag-unlad ng usapin ng kababaihan, kailangang isulong ng komunidad ng daigdig — Tsina_fororder_0202un

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method