Xi Jinping, bumati kay Yoon Suk-yeol matapos mahalal bilang pangulo ng Timog Korea

2022-03-11 14:23:42  CMG
Share with:

 

Ipinadala nitong Huwebes, Marso 10, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati kay Yoon Suk-yeol sa kanyang pagkakahalal bilang pangulo ng Timog Korea.

Tinukoy ni Xi na ang Tsina at Timog Korea ay mahalagang karatig na bansa at partner ng isa’t isa.

Sinabi ni Xi na ang taong 2022 ay ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na palalimin, kasama ng Timog Korea, ang mapagkaibigang kooperasyon para sa kapakinabangan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.

Salin: Ernest

Pulido: Mac

Please select the login method