Ministrong Panlabas ng Tsina at Tanzania, nag-usap: ugnayan ng dalawang bansa, itataas sa bagong antas

2022-03-21 14:00:13  CMG
Share with:

Ministrong Panlabas ng Tsina at Tanzania, nag-usap: ugnayan ng dalawang bansa, itataas sa bagong antas_fororder_20220321Tanzania

 

Nag-usap kahapon, Marso 20, 2022 sa Distrito ng Tunxi, Lunsod ng Huangshan, Lalawigang Anhui sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Liberata Mulamula, Ministrong Panlabas ng Tanzania.

 

Ipinahayag ni Wang na matibay ang relasyon ng dalawang bansa, at nakahanda aniya ang Tsina na walang humpay na palalimin ang komprehensibong partnership sa Tanzania.

 

Aniya pa, ito ay magbibigay ng mas malaking ambag para sa nagsasariling pag-unlad ng buong Aprika.

 

Sinabi naman ni Mulamula na buong sikap na pataasin ng kanyang bansa ang kooperasyong pangkaibigan sa Tsina.

 

Sinabi pa niyang nakahanda ang Tanzania na itaas sa bagong antas ang ugnayan nito sa Tsina.

 

Salin: Ernest

Pulido: Rhio

Please select the login method