Tsina, ibabalik ang halos 1.5 trilyong yuan RMB na buwis sa 2022

2022-03-22 14:23:16  CMG
Share with:

Tsina, ibabalik ang halos 1.5 trilyong yuan RMB na buwis sa 2022_fororder_20220322LiKeqiang

Ayon sa Executive Meeting ng Pamahalaang Tsino na pinanguluhan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina nitong Lunes, Marso 21, 2022, isasagawa ng Tsina ang value-added tax (VAT) credit refund sa taong ito na nagkakahalaga ng 1.5 trilyong yuan RMB o halos 235.56 bilyong USD.

Ang pagbabalik ng buwis ay naglalayong makatulong sa matatag na operasyon ng iba’t ibang uri ng mga bahay-kalakal at paggarantiya ng pagkakataon ng hanap-buhay.

Samantala, hiniling ng Pamahalaang Sentral ng Tsina sa mga may kinalamang departamento na dapat malubhang parusahan ang anumang iligal na aksyong may kinalaman sa pagbabalik sa buwis.

Bukod dito, tinalakay din ng naturang pulong ang isyu ng epekto ng kalagayang pandaigdig sa pamilihan ng kapital ng Tsina.

Salin: Ernest

Pulido: Mac

Please select the login method