2,338 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland nitong Marso 21

2022-03-22 14:28:14  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas ngayong araw, Marso 22, 2022 ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 2,338 ang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Lunes, Marso 21.

Kabilang dito, 57 ang galing sa labas ng bansa, at 2,281 naman ang domestiko. Walang bagong kaso ng pumanaw at bagong pinaghihinalaang kaso

Nang araw ring iyon, 588 ang gumaling mula sa hospital.

Hanggang sa Marso 21, 23,138 ang kabuuang bilang ng nga umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland, samantalang 4,638 naman ang mga pumanaw.

Salin: Ernest

Pulido: Mac

Please select the login method