2667, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland Marso 22

2022-03-23 15:21:07  CMG
Share with:

 

 

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina ngayong araw, Marso 23, 2022, 2,667 ang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Marso 22.

 

Kabilang dito, 76 ang galing sa labas ng bansa, at 2,591 naman ang domestiko.

 

Walang bagong kaso ng pumanaw, at 3 ang bagong pinaghihinalaang kasong galing sa labas ng bansa, dagdag ng komisyon.

 

Samantala, 702 ang gumaling at lumabas mula sa ospital.

 

Batay pa sa datos, 25,103 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland.

Salin: Ernest

Pulido: Rhio

Please select the login method