Bagong ebidensya ng pagdedebelop ng Amerika ng sandatang biolohikal sa Ukraine, natuklasan ng Rusya

2022-03-25 15:55:11  CMG
Share with:

 

Sinabi Huwebes, Marso 24, 2022 ni Igor Konashenkov, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Rusya, na natuklasan ng mga dalubhasang Ruso ang mga bagong ebidensya hinggil sa direktang pagkakasangkot ng Pentagon ng Amerika sa pagdedebelop ng mga komponent ng sandatang biolohikal sa Ukraine.

Ipinahayag ni Konashenkov na ang naturang mga ebidensya ay galing sa mga dokumento na kinuha ng panig Ruso mula sa mga trabahador sa mga laboratoryo sa Ukraine.

Ipinahayag niyang isasapubliko ng panig Ruso ang mga orihinal na dokumento sa lalong madaling panahon para patunayan na ang Proyektong UP-2 ay aprubado ng Pentagon para saliksikin ang mga mapanganib na virus ng Ukraine.

Sinabi pa niyang ang Proyektong UP-2 ay isa lang sa mga proyektong biolohikal na isinagawa ng laboratoryo ng Ukraine.

Salin: Ernest

Pulido: Mac

 

Please select the login method