Premiyer Li Keqiang: Matatag na relasyong Sino-Europeo, napakahalaga sa daigdig

2022-04-02 17:18:30  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, idinaos nitong Abril 1, 2022, ang Ika-23 Pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at Unyong Europeo (EU) na magkakasamang pinanguluhan nina Premiyer Li Keqiang ng Tsina, Charles Michel, Pangulo ng Konseho ng Europa, at Ursula von der Leyen, Pangulo ng Komisyon ng Europa.

Premiyer Li Keqiang: Matatag na relasyong Sino-Europeo, napakahalaga sa daigdig_fororder_01likeqiang

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Li Keqiang na ang matatag na relasyon ng Tsina at EU ay napakahalaga para sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng buong daigdig.

 

Aniya, inaasahan ng Tsina na pabubutihin ang pagtitiwalaan ng Tsina at EU sa isa’t isa at palalakasin ang komunikasyon ng dalawang panig.

 

Nanawagan si Li sa Tsina at EU na palalimin ang praktikal na kooperasyon at maayos na hawakan ang pagkakaiba, magkasamang magsikap para ibigay ang ambag para sa kapayapaan at kaunlaran ng buong mundo.

 

Samantala, ipinahayag nina Michel and von der Leyen na ang kapuwang Tsina at EU ay mahalagang miyembro ng pandaigdigang sistemang multilateral, at ang Tsina ay mahalagang stakeholder. Dapat palakasin ng dalawang panig ang diyalogo, palalimin ang kooperasyon, igiit ang multilateralismo, igarantiya ang katatagan at kapayapaan ng daigdig, at magkakasamang harapin ang mga hamon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method