Kita ng mga sentral na SOE ng Tsina noong 2022, lumaki ng 8.3%

2023-01-18 15:08:49  CMG
Share with:


Ini-ulat Enero 17, 2023 ng State-owned Assets Supervision and Administration Commission (SASAC) ng Tsina, na nanatiling matatag ang paglaki ng tubo ng mga sentral na State Owned Enterprises (SOE) ng bansa noong 2022.

 

Anito, umabot sa 39.4 trilyong yuan RMB (o mahigit $USD5.8 trilyon) ang kita ng mga SOE sa bansa noong 2022) – mas malaki ng 8.3% kumpara noong 2021.

 

Kabilang dito, umakyat sa mahigit 2.5 trilyong yuan RMB ang netong kita ng mga ito, na lumaki ng 5.5% kumpara noong 2021.

 

Samantala, 2.8 trilyong yuan RMB namang halaga ng buwis ang ibinayad sa pamahalaan ng naturang mga kompanya noong 2022 – mas malaki ng 19.3% kumpara noong 2021, dagdag ng SASAC.

 

Sa pamamagitan ng mga hakbangin ng pamahalaan na gaya ng pagbabawas ng upa at singil pantelekomunikasyon, naibigay ng mga SOE sa bansa ang mahigit 20 bilyong yuan RMB na pakinabang sa lipunan, at aktibong pinamunuan ang mga katamtaman at maliliit na bahay-kalakal (SMEs) tungo sa magkakasamang pag-unlad.



Salin: Kulas

Pulido: Rhio