Iresponsableng plano ng pagtatapon ng tubig-nuklear sa dagat, dapat itigil ng Hapon – Tsina

2023-01-20 17:41:10  CMG
Share with:

Inanunsyo kamakailan ng pamahalaang Hapones ang plano nitong itatapon ang nuklear na kontaminadong tubig mula sa Fukushima Daiichi nuclear power station sa dagat ngayong Tagsibol o Tag-init.

 

Hinggil dito, ipinahayag Enero 19, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang kapaligirang pandagat ay may kinalaman sa kapakanan ng pandaigdigang komunidad, kaya ang pagtatapon ng tubig-nuklear sa dagat ay hindi lamang domestikong suliranin ng Hapon.

 

Sa kabila ng malawakang pagkabahala at mariing pagdududa sa loob at labas ng bansa, inilabas ng pamahalaang Hapones ang plano ng pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat, ani Wang.

 

Ang nasabing plano ay kasalukuyan aniyang tumatanggap ng malakas na oposisyon at pagbatikos mula sa iba’t-ibang panig.

 

Dapat aniyang igalang ng panig Hapones ang lehitimong pagkabahala at panawagan ng sariling mga mamamyan at pandaigdigang komunidad; tuparin ang pangako at maayos na pangasiwaan ang tubig-nuklear sa paraang siyentipiko, bukas, maliwanag at ligtas; at itigil ang iresponsableng kilos.

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio/ Jade