Payong na tinirintasan ng puntas, napakapopular sa loob at labas ng Tsina

2023-02-02 16:07:31  CRI
Share with:

Enero 31, 2023, abalang-abala ang isang pagawaan ng payong sa bayang Dawenkou, lunsod Tai’an ng probinsyang Shandong, Tsina.

Sa loob ng malawak at malinaw na silid ng pabrika, ginagawa ng mga trabahante ang mga payong na tinirintasan ng puntas o lace-braided parasol na may iba’t-ibang laki at disenyo.

Ang mga ito ay ini-order ng mga dayuhang kliyente.


Upang mas mapalaki ang bilang ng mga kostumer, pinaghahalo ng mga manggagawa ang moderno at tradisyunal na estilo sa paggawa ng mga payong at pamaypay na tinirintasan ng puntas.

Sa kabilang dako, ginagamit din nila ang mga e-commerce platform para mas maiging maibenta ang kanilang mga produkto.

Bunga nito, maraming mga kababaihan sa lokalidad ang nagkaroon ng disenteng trabaho. 


Salin: Lito

Pulido: Rhio