Unang anibersaryo ng 2022 Winter Olympics at Paralympics, magkasamang idaraos ng Beijing at Hebei

2023-02-02 17:10:50  CMG
Share with:


 

 The 2022 Winter Olympic Games logo is seen on the ground in downtown Beijing, January 28, 2023. /CFP

 

Ipinahayag ng Tanggapan ng Impormasyon ng Munisipalidad ng Beijing, na kasalukuyang nakikipagtulungan ang lunsod ng Beijing sa lalawigang Hebei upang maidaos sa Pebrero 4, 2023 ang serye ng mga aktibidad bilang pagdiriwang sa unang anibersaryo ng 2022 Winter Olympic at Paralympic Games.

 

Ayon sa nasabing tanggapan, ang selebrasyon ay bubuuin ng mga 100 kaganapan at aktibidad mula Pebrero 4 hanggang kalagitnaan ng Marso, na kinabibilangan ng seremonya ng paglulunsad sa Shougang Ice Hockey Arena sa Beijing, sa isang Sabado ng gabi; isang eksibisyong pinamagatang "Glorious Winter Games;" mga aktibidad pampalakasan na lalahukan ng publiko; at isang perya hinggil sa kultura ng Olimpiyada.

 

Samantala, idaraos ng lunsod Beijing ang 8 palakasan sa Taglamig para sa publiko, na kinabibilangan ng torneo ng ice hockey para sa mga tinedyer, pagalingan sa larong curling, skiing, winter jogging, winter cycling, at iba pa.

 

Bukod dito, idaraos din ang karnabal ng Taglamig sa Olympic Forest Park at Shichahai scenic area in Beijing.

 

Ang Beijing ay ang punong-lunsod ng Tsina at ang Hebei ay isa namang kanunog na probinsya ng Beijing, sa gawing hilaga ng bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio