Mensahe ng pakikidalamhati’t pakikiramay, ipinadala ng Tsina sa Pakistan kaugnay ng pag-atake sa Peshawar

2023-02-02 14:35:20  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala, Miyerkules, Pebrero 1, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Arif Alvi ng Pakistan bilang pakikiramay sa teroristikong pag-atake sa lunsod ng Peshawar ng bansa.

 

Ani Xi, sa ngalan ng Pamahalaan at mga mamamayang Tsino, taos-puso siyang nakikidalamhati sa mga biktima at nakikiramay sa mga nasugatan at kanilang mga kamag-anakan.

 

Tinututulan aniya ng Tsina ang anumang porma ng terorismo at mandinding kinokondena ang nasabing pag-atake.

 

Sinabi ni Xi na patuloy at matatag na kakatigan ng panig Tsino ang pagsasagawa ng plano ng Pakistan upang labanan ang terorismo sa loob ng bansa para pangalagaan ang katatagan ng lipunan at kaligtasan ng mga mamamayang Pakistani.

 

Nakahanda aniyang palalimin ng Tsina ang kooperasyon sa Pakistan hinggil sa usaping ito.


Nang araw ring iyon, ipinadala rin ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensahe kay Punong Ministro Shahbaz Sharif ng Pakistan bilang pakikiramay sa naturang insidente.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio