Mahigit 10 milyong pasahero, naglakbay sa China-Laos Railway

2023-02-02 15:25:12  CMG
Share with:

 

Sinabi ng China Railway Kunming Group Co., Ltd, na hanggang Enero 31, 2023, umabot na sa 20,000 ang mga pampasaherong tren na naisaoperasyon nito, samantalang 10.3 milyon naman ang bilang ng mga pasaherong nakapaglakbay sa China-Laos Railway, sapul nang maisa-operasyon ito noong Disyembre 2021.

 

Kabilang dito, 8.7 milyong ang naglakbay sa seksyon ng daambakal na nasa Tsina, at ang iba pang 1.6 milyong pasahero ay naglakbay naman sa seksyon ng daambakal na nasa Laos.

 

Bukod dito, tumaas sa 10 mula 7 ang mga istasyon sa Laos na may serbisyong pampasahero.

 

Inaasahang magsisimula ngayong taon ang cross-border na biyahe ng mga tren sa China-Laos Railway ngayong 2023 para mapadali ang paglalakbay ng mga pasahero at transportasyon ng mga paninda sa pagitan ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio