Kasiglahan at potensyal ng kabuhayang Tsino sa pag-unlad, palalakasin sa 2023 – MOFA

2023-02-02 16:04:01  CMG
Share with:

Inilabas kamakailan ng United Nations (UN) ang World Economic Situation and Prospects 2023, kung saan, tinatayang lalaki ng 4.8% ang kabuhayang Tsino.

 

Sa kabilang dako, sinabi rin ng nasabing ulat na liliit naman ng 1.9% ang kabuhayang pandaigdig sa kasalukuyang taon.

 

Ayon naman sa sinusugang World Economic Outlook (WEO) ng International Monetary Fund (IMF), 5.2% ang pagtaya sa paglago ng kabuhayang Tsino sa kasalukuyang taon.

 

Kaugnay nito, inihayag Miyerkules, Pebrero 1 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos na pasisiglahin ang kakayahan at potensyal sa pag-unlad ng kabuhayan ng bansa, at patuloy itong magbibigay ng kompiyansa’t lakas-panulak sa kabuhayang pandaigdig.

 

Dagdag niya, magkakasunod na pinataas kamakailan ng maraming pandaigdigang instituto ng pamumuhunan na gaya ng Morgan Stanley, Goldman Sachs, Hong Kong and Shanghai Banking Corporation Limited (HSBC) at J.P. Morgan ang pagtaya sa paglago ng kabuhayang Tsino sa 2023.

 

Aniya pa, sa panahon ng taunang pulong ng World Economic Forum sa 2023, unibersal na ipinalalagay ng mga kalahok, na ang pag-optimisa ng Tsina sa mga patakaran kontra Corona Virus Disease 2019 ay malinaw na magpapababa sa posibilidad ng resesyon ng kabuhayang pandaigdig, at ang pagbubukas ng Tsina ay makakatulong sa paglago ng kabuhayan ng buong mundo.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio