Kaugalian ng mga Tsino, samu’t sari: atmospera ng kapistahan, laganap

2023-02-02 15:47:05  CMG
Share with:

Sa panahon ng Pestibal ng Tagsibol o Bagong Taong Tsino - Taon ng Kuneho, damang-dama ang masayang atmospera sa bawat sulok ng Tsina.

 

Sa iba’t-ibang lugar ng bansa, makikita ang samu’t saring aktibidad at kaugaliang pampestibal na gaya ng pamimili ng “year goods” sa palengke, pamamasyal sa temple fair, pagtikim ng masasarap na pagkain, at panonood sa mga pagtatanghal.

 

Kitang-kita ang maligayang ngiti sa mukha ng mga tao.

 

Salin: Kulas
Pulido: Rhio