40 milyong yuan RMB na halaga ng tulong, ipagkakaloob ng Tsina sa Turkiye

2023-02-07 16:32:06  CMG
Share with:

 

Sa kanyang panayam, ngayong araw, Pebrero 7, 2023, sa China Media Group (CMG), ipinahayag ni Deng Boqing, Pangalawang Puno ng China International Development Cooperation Agency (CIDCA), na ipagkakaloob ng Tsina ang unang pangkat ng tulong na nagkakahalaga ng 40 milyong yuan RMB sa Turkiye, na kinabibilangan ng pagpapadala ng grupong medikal at panaklolo, mga gamot at iba pang kagamitan.

 

Bukod dito, magkakahiwalay rin aniyang ipinagkaloob ng Red Cross Society of China ang US$200,000 na tulong para sa Turkiye at Syria.

 

Ayon sa pinakahuling ulat, mahigit 4,000 katao ang namatay at halos 20,000 ang sugatan sa napakalakas na lindol na nanganap, Pebrero 6, 2023, sa purok-hanggahan ng nasabing dalawang bansa.

 

Kaugnay nito, sinimulan nang araw rin iyon United Nations (UN) ang pangkagipitang aksyon para ipagkaloob ang makataong tulong sa mga apektadong mamamayan.

 

Ipinadala rin ng Tsina, Rusya, Poland, Espanya, United Arab Emirates (UAE) ang mga grupo upang umayuda sa mga gawaing panaklolo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio